fbpx

Hallmark Philippines

Greeting Card Philippines

Gift Ideas Philippines

Gift Bag Philippines

Gift Wrap Philippines
Gift Items and Party Decorations
logo
Top Icons

Pamaskong Regalo handog ng Hallmark Philippines

Paano Sumali:
1. Sa bawat pagbili ng single receipt Hallmark products na may halagang P50.00 o higit pa ay may katumbas na isang raffle entry ang panauhin.2. Twenty one (21) kalahok ay may pagkakataong manalo ng mga sumusunod na papremyo:

One (1) winner of P 100,000.00 (tax free)

Twenty (20) winners of P 5,000.00 (tax free)

3. Kailangang isulat ng kalahok ang mga pangunahing impormasyon: kumpletong pangalan, tirahan, contact number, email address, at lagda sa likod ng opisyal na resibo ng Pandayan Bookshop.

4. Ihulog ang resibo na may kumpletong detalye sa dropbox malapit sa Customer Service Counter ng Pandayan Bookshop branch.

5. Ang hindi pagkumpleto sa mga hinihinging impormasyon sa raffle entry ay mangangahulugan ng kawalan ng karapatang makalahok sa raffle.

6. Promo duration: Oct 15 – Dec 31, 2019

Draw date: January 13, 2020.

7. Ang lahat ng Raffle Draws ay gaganapin sa Pandayan Bookshop Central Office sa 783 IRC Compound, Gen Luis St., Paseo de Blas, Valenzuela City, sa harap ng kawani ng Department of Trade and Industry (DTI), kinatawan ng Filstar Distributors Corporation at kinatawan ng Pandayan Bookshop.

8. Isang beses lamang pwedeng manalo ang kalahok. Kapag nabunot nang humigit sa isang beses ang isang kalahok, ang premyong mas nakatataas ang halaga ang ibibigay dito.

9. Ang lahat ng mga nanalo ay makakatanggap ng opisyal na sulat at tawag mula sa Pandayan Bookshop. Ang mga nanalo ay kailangang magpakita ng isang valid ID na may picture at pirma (Hal. Driver’s License, Passport, SSS, TIN, NBI, School ID, atbp.), original at photocopy nito, at ang natanggap na opisyal na sulat upang makuha ang premyo.

10. Maaring kunin ng mga nanalo ang premyo sa pinakamalapit sa kanilang Pandayan Bookshop branch. Ang listahan ng mga mananalo ay makikita sa mga sumusunod na Facebook page:

Pandayan Bookshop: PandayanBookshop
Hallmark Philippines: Hallmark Philippines
11. Kung sakaling hindi maipakita ng nanalo ang natangap na opisyal na sulat, kailangan niyang magpagawa ng naka-notaryong Affidavit of Loss upang matiyak na totoo ang paghabol dito. Animnapung (60) araw ang kailangan hintayin mula sa araw ng pagpasa ng Affidavit of Loss sa Pandayan Bookshop branch bago makuha ang premyo.
12. Lahat ng mga mananalo na menor-de-edad ay kailangang may kasamang isang nakatatanda na nasa labingwalong (18) gulang o higit pa, at kailangang magpakita ng isang (1) valid ID sa pagkuha ng premyo. Kailangang makuha ng lahat ng nanalo ang kani-kanilang premyo sa loob ng animnapung (60) araw mula sa pagkakatangap ng opisyal ng sulat. Lahat ng hindi nakuhang premyo ay hindi na maaaring kunin, na may karampatang paunang pahintulot mula sa DTI.
13. Lahat ng empleyado ng Pandayan Bookshop (at mga branches nito), Filstar Distribution Corporation, kasama ang kanilang mga kamag-anak hangang ikalawang baitang ng pagkakaugnay at koneksyon ay disqualified at hindi maaring sumali sa raffle na ito.